cropped-Cornerstone-Entertainment-Black.png

KZ Tandingan at MC Einstein, napabilang sa Wishclusive Elite Circle sa 8th WMA

Author: Patricia Claire V. Perez

Nakasama ang Filipino singer at tinaguriang “Asia’s Soul Supreme” na si KZ Tandingan at ang Filipino rapper, singer, at songwriter na si MC Einstein sa Wishclusive Elite Circle sa 8th Wish Music Awards na ginanap kagabi (January 22) sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Ang Wishclusive Elite Circle ay special awards na binibigay sa mga musical artist para sa kanilang Wishclusive videos na umabot na ng at least 10 million hits sa YouTube channel ng Wish 107.5. Mayroon itong iba’t ibang levels tulad ng Bronze Wishclusive Elite Circle (10 million views), Silver Wishclusive Elite Circle (25 million views), Gold Wishclusive Elite Circle (50 million views), Platinum Wishclusive Elite Circle (75 million views), at Diamond Wishclusive Elite Circle (100 million views).

Natamo ni KZ Tandingan ang Platinum Wishclusive Elite Circle award (75 million views) para sa kanyang cover noong 2017 ng “Two Less Lonely People In The World” para sa “Kita Kita” OST sa Wish 107.5 Bus. 

Nakamit naman ni MC Einstein ang Gold Wishclusive Elite Circle award (50 million views) para sa Wishclusive performance ng kanyang 2019 single na “Titig” kasama sina Flow G, Yuri Dope, at Jekkpot. 

Mapapanood ang Wishclusive performances nina KZ Tandingan at MC Einstein sa Wish 107.5 YouTube channel.

©️ 2023 Cornerstone Entertainment, Inc. All Rights Reserved.