cropped-Cornerstone-Entertainment-Black.png

Roxie Smith, bumida sa MV ng “Oras” ni Jason Marvin kasama si Albert Nicolas

Author: Joshua A. Maghinang

Bumida ang Belgian-Filipino beauty queen at Miss Earth Water 2020 na si Roxie Smith kasama ang social media influencer na si Albert Nicolas sa bagong ballad music video ni Jason Marvin, na ang pamagat ay “Oras,” na inilabas nitong January 14, 2023 lamang sa kanyang official YouTube channel.

Ang bagong music video ni Jason ay dinirekta ni Raymart King Bingcang, na kung saan pinakita dito kung paano paulit-ulit na susubukan ng karakter ni Albert na muling ayusin ang nasirang relasyon sa kanyang minamahal na ginagampanan ni Roxie sa pamamaraan ng time travel.

“This is the first song I wrote wherein the concept for the music video came first before the song. I remember thinking of a scene where a time traveler would keep going back in time to ‘fix’ his relationship only to find out eventually that whatever he does, whatever he changes, and whatever he tries, the outcome stays the same,” ibinahagi ni Jason sa kanyang Instagram post.

Dati na rin naging bida si Roxie sa isang music video, para naman sa kanta ni Kenji na ang pamagat ay “Liham.” Mapapanood ang music video ng “Liham” sa YouTube channel ng CS Music at mapapakinggan ito sa lahat ng digital music streaming platforms. Bilang Sparkada star, kasama siya sa paparating na primetime series ng GMA na “Hearts on Ice,” na pinangungunahan nina Xian Lim at Ashley Ortega.

Si Albert Nicolas naman o mas kilala bilang “Asian Cutie” ay isang social media personality, YouTuber, at photographer na mas nakilala dahil sa kanyang mga comedy skits at mga funky moves na mapapanood online.

Mapapakinggan ang “Oras” sa lahat ng digital music streaming platforms. Panoorin ang music video nito sa ibaba:

©️ 2023 Cornerstone Entertainment, Inc. All Rights Reserved.