Muling tatampok si Arci Muñoz sa pinakabago at kauna-unahang orihinal na Filipino film ng Prime Video, ang “Ten Little Mistresses.”
Gagampanan ni Arci ang role ni Aura, isang “manghuhula” sa “Ten Little Mistresses” at makakasama niya rin ang ilan sa mga kilalang artista na sila John Arcilla, Pokwang, Agot Isidro, Eugene Domingo, Carmi Martin, Kris Bernal, Christian Bables, Sharlene San Pedro, Iana Bernardez, Kate Alejandrino, at Donna Cariaga.
Ang pelikula ay tungkol sa isang mayamang bilyonaryo na si Don Valentin Esposo na mayroong sampung “kerida” na nagsama-sama sa isang bahay upang ipaglaban ang pagiging kanyang legal na asawa, ngunit si Don Valentin ay namatay, at ang sampung babae ay magiging primary suspects sa kanyang pagkamatay.
Mula sa teaser ng Prime Video, inilarawan ang sampung kerida bilang “magaganda, gold digger, gold wearer, bongga, manghuhula, millennial, Gen Z, Gen X, boomer, doktor, dinoktor, beauty queen, influencer, kabogera, — basta lahat nasa iisang party lang!”
Umani rin ng mga positibong komento at libo-libong likes sa social media ang teaser na inilabas ng Prime Video.
Itong murder mystery at comedy film ay likha ni Jun Robles Lana at mapapanood na ito sa Prime Video simula February 15, 2023.
©️ 2023 Cornerstone Entertainment, Inc. All Rights Reserved.