cropped-Cornerstone-Entertainment-Black.png

MC Einstein, maglalabas ng EP para sa mga sawi ngayong Pebrero

Author: Cherry Mae Villarta

Ang singer-songwriter at rapper na si MC Einstein ay nagbabalik at handa nang manakit sa paparating na buwan ng mga puso sa paglabas ng kanyang upcoming EP na pinamagatang “Sad Shit.” Ayon sa kanyang post noong ika-24 ng Enero, ilalabas niya ang EP sa ika-10 ng Pebrero, 2023.

“Sana di pa nagsasawa… Sana di ka nagsasawa.”

“Ba’t di ka umalis, kung di na pala maligaya ‘wag nang bumalik.”

“Ayaw kong masayang ang pinaghirapan ko…kasi pinaghirapan ko yung tayo.”

Pinasilip ni MC sa kanyang official Facebook page ang ilan sa mga lyrics at demo songs na tiyak magpapa-LSS sa mga broken-hearted at feeling broken-hearted.

“Ako nga kaaga-aga pinag-eemote mo eh!”

“Excited na’ko masyado awitan kaibigan kong mga sawi.”

“Sakit naman.”

Hindi pa linalabas ang EP ngunit ay umaani na agad ng sad at heart reacts mula sa netizens ang mga lyrics mula dito. Naka-relate ang mga fans sa mga hugot lines ni MC Einstein at ang ilan ay napa-comment pa nga kung gaano sila ka-excited marinig ang mga kanta sa EP na ito.

Sabay-sabay tayong masaktan at mag-emote ngayong Pebrero sa “Sad Shit EP.” Mapapakinggan na ang EP ngayong February 10, 2023 sa lahat ng major music streaming platforms.



©️ 2023 Cornerstone Entertainment, Inc. All Rights Reserved.