cropped-Cornerstone-Entertainment-Black.png

Newest comedy sitcom ni Empoy na “Ano’ng Meron Kay Abok?” paparating na!

Author: Lew Anthony Sitjar

Muli na naman nating masisilayan sa telebisyon ang kagwapuhan ng nag-iisang pambansang Millenial Leading Man, Empoy Marquez, sa pinakabago nitong serye “Ano’ng Meron kay Abok?” Ito ay masusubaybayan sa Net 25 simula ika-una ng Oktubre, Sabado, alas-siete ng gabi.

Si Empoy ay gaganap bilang Abok sa newest comedy sitcom ng Net 25. Ito ay pagbibidahan niya kasama si Alexa Miro bilang kanyang kasintahan. Makakasama rin nila sina Yukii Takahashi, Nico Locco, Yow Andrada, at ilang mga nagniningning na artista.

Ang serye ay kwento kung paano sinubok ang dalawang dating magkasintahan. Ano’ng meron kay Abok? Ano ang dapat nating abangan sa taong ‘to? Sabay-sabay nating tunghayan at ma-in-love kay Empoy Marquez sa palabas na ito.

Pwede nang mapanood ang trailer nito sa social media accounts ng Net 25. Mapapanood din ang NET 25 sa Digital Free TV Channel 28, Analog Free TV Channel sa Skycable, Destiny Cable on Channel 18, Sat Lite  Channel 25, Cignal Channel 14, at sa GSat Channel 38. 

Sa kanyang pagbalik, muli niyang pakikiligin at patatawanin ang puso ng masa. Kaya naman, kilalanin at abangan na natin si Abok sa kanyang pagdating.

©️ 2023 Cornerstone Entertainment, Inc. All Rights Reserved.