cropped-Cornerstone-Entertainment-Black.png

Phenomenal Diva na si Jessa Zaragoza muling magpapasiklab sa kanyang US tour ngayong 2023

Author: Carla L. De Leon

Ang ating nag-iisang “Phenomenal Diva” na si Jessa Zaragoza ay magkakaroon ng US tour na magtatagal mula March hanggang May 2023 na pinamagatang “Jessa Zaragoza The Phenomenal Jukebox US Tour 2023”

Sa kanyang Instagram post, masaya niyang inanunsyo na hindi na siya makapaghintay makita ang kanyang mga fans at bisitahin ang mga lugar na first time niyang pupuntahan.

Sa ibinahaging larawan ni Jessa, ramdam ang excitement at tuwa ng mga netizens sa nasabing tour.

“Congratulations po to your US tour,” saad ng isang netizen.

“Congratulations! This is great news!” sabi naman ng isang netizen.

“Oh, my God!! I live in NC!”

Samantalang ilan sa mga netizens ay hinihiling na sana ay mabisita din ang kanilang lugar.

“Come to CA again!”

“Cali is not on the list.”

Hindi maikakaila na talaga namang patuloy pa rin ang suporta at pagmamahal na binibigay ng mga fans ni Jessa kahit sa saang sulok ng mundo. 

Kaya naman para sa mga gustong bumili ng tickets, habol na at huwag nang magpahuli!

Jessa Zaragoza The Phenomenal Jukebox US Tour 2023 Dates:

Mar 25 – Diamond Lounge Annandale, VA

Mar 31 – Slyvia Beard Theatre Buford, GA

Apr 2 – Douglass Theatre Macon, GA

Apr 15 – Cafe Fear Regional Theatre Fayetteville, NC

Apr 22 – Chan Auditorium Huntsville, AL

Apr 28 – Charleston, SC

Apr 29 – KMS Auditorium Kannapolis, NC

May 6 – Jean and Paul Amos Performance Studio Pensacola, FL

May 23 – Duxbury Performing Arts Center Duxbury, MA

Para sa tickets sa darating na March 25 show, maaaring tawagan sina Marby Laluces sa mga  numerong +1 (202) 431-3943 o si Florence Mishler +(571) 552-1387.

Para naman sa darating na March 31 to May 13 shows, available ang tickets sa www.cloverleafprod.com o maaaring tawagan sina Melonie – 678-557-5101 at Danny – 404-789-4448 para sa iba pang detalye.

©️ 2023 Cornerstone Entertainment, Inc. All Rights Reserved.