Sa isang TikTok video na pinost ni @haroldunabia30, kitang kita ang dagsaan, kilig, hiyawan, at pagsabay ng mga tao sa pag-awit nina TJ Monterde at KZ Tandingan sa kantang “Palagi.” Ang kakaiba sa video ay napapanood lamang nila ang performance sa isang LED screen sa labas at hindi sa loob ng mismong concert venue. Ayon sa ibang report, jam-packed daw ang loob ng venue.
@haroldunabia30 grabe ka @TJ Monterde @KZ #ceb #cebucity #fyp #foryou #foryoupage#tjmonterde #foryoupage #cebu #kztandingan ♬ original sound – Harold Unabia
Itong performance ng “Palagi” ay kasama sa setlist nina TJ at KZ para sa libreng concert ng Mayor ng Cebu City na si Mayor Raymond Garcia para sa pagdiriwang ng Sinulog Festival noong ika-16 ng Enero sa Abellana Sports Complex. Kasama rin sa lineup ng concert si juan karlos. Kilala ang Sinulog bilang isa sa mga pinaka dinadayuhan at engrande na piyesta sa bansa na parating ginaganap tuwing Enero sa Cebu.
“Happy Sinulog, Cebu! Salamat kaayo ninyo tanan, grabe di gyud ko mapul-an magbalik balik, basta kamo,” sulat ni TJ sa kanyang social media.
Sa darating na Pebrero, gaganapin ang 3-day sold-out concert ni TJ na pinamagatang “Sarili Nating Mundo” sa Smart Araneta Coliseum. Ayon sa management ng Araneta, si TJ raw ang unang local male act na nakapag sell out ng tatlong magkakasunod na palabas sa Smart Araneta Coliseum.
©️ 2023 Cornerstone Entertainment, Inc. All Rights Reserved.