cropped-Cornerstone-Entertainment-Black.png

Vic Robinson, Mapapanood sa “Mang Lalakbay”– Ang Children’s Show Na Bibida Sa Panibagong Henerasyon

Author: Patricia Martine Paz

Nitong ika-25 ng Setyembre, alas-nuwebe trenta ng umaga, nasaksihan ng kabataang Pilipino ang pinaka unang episode ng bagong children’s show na “Mang Lalakbay” sa A2Z. Tampok dito si Vic Robinson na siyang gumaganap bilang “Kuya Bay”, ang pangunahing host ng programa.

Si Vic Robinson ay isang actor-singer na naging parte na ng iba-ibang dula, teleserye, at pelikula tulad ng Ang Huling El Bimbo: The Musical, The Killer Bride, at The Boy Foretold By The Stars (2020).

Ang “Mang Lalakbay” ay ang kauna-unahang educational travel program sa bansa na nagbibigay-daan sa mga bata na tuklasin ang iba’t-ibang lugar mula sa kanilang mga tahanan dahil sa epekto ng pandemya.

Makakasama rin ni Kuya Bay sa paglalakbay ang dalawang puppet na sina Mang Tuts at Manang Agi.

Ang programa ay pinangungunahan sa direksyon ni Joan Lopez-Flores na siya ring managing director at co-founder ng The Jumpcat Experiment at kasama niya rin dito si Froi Fabella bilang co-director.

Mapapanood ang “Mang Lalakbay” tuwing linggo sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at sa iWantTFC mula 9:30 hanggang 10:00 ng umaga. Masusubaybayan din ito sa sa Light TV tuwing Lunes, 4:00 PM.

©️ 2023 Cornerstone Entertainment, Inc. All Rights Reserved.